Batangueña, Inlove kay Allan. 5 years nang blogger, feeling bookworm ampota, akala mo movie enthusiast, random at hindi naman sa pagyayabang, eh may itsura din naman.
Malayo ka na nga, wala ka na nga laging oras, pati ba naman effort at simpleng bagay para mapasaya ang sinasabi mong mahal mo, wala pa din? Madali ako masura sa taong di maalam magpahalaga.
Mahirap bang ipagsigawan na mahal mo ako? Mahirap ba mag iloveyoutoo sa mga posts ko sa wall mo? Mahirap bang magreply sa mga comment ko sa mga posts mo? Nd ko na nga hinihingi sng mag-effort ka. Ang akin lang, pansinin mo ko pag nag eeffort ako. Mahirap ba yon? Nd mo ba narrealize na social media lang ang way natin para mag effort? Bilang long distance relationship to. Kahit manlang sa simpleng post, makita kong nag-eeffort ka, kasi nd mo naman ako kayang halikan, hindi mo ako kayang yakapin. I mean, mahirap ba yung hinihiling ko? May matatamaan ka ba if ever na pansinin mo ang girlfriend mo? O napakaisip bata ko lang talaga? Ok. Ge. 🙄
Walang away. Walang oras. Walang buhay. Wala lang, mahal lang natin isat isa. O mahal nga ba natin? Ako, mahal kita, sigurado ako. Pero ikaw, sigurado ka pa ba?
Parang hindi na din healthy.
Ang tanong: worth it pa ba?
Kung lagi nalang iiwasan
ang mga dapat pinag uusapan.
Kung lagi nalang tutulugan
ang mga dapat pinagtutulungan.
Kung lagi nalang sasabihin pa
ang mga dapat ay kusa nang ginagawa.
Kung hindi rin naman pinapahalagahan,
Anong kelangan pang ipaglaban?
Kung hindi nga nag aaway
Pero hindi din naman nag uusap.
Kung puro nalang lambingan
Pero hindi naman alam kung totoo pa.
Mahal mo pa ba talaga ako?
O ayaw mo nalang akong bitawan?
Mahal mo pa ba talaga ako?
O namghihinayang ka nalang?
Mahal mo pa ba talaga ako?